7

By

Sunang, iba pang trackster lipat-kuwadra sa Vermosa

Sharing is caring!

SINEMENTUHAN ng Ayala Corporation at Philippine Athletics Track and Field Association ang limang taong pagtatambal sa pag-anunsyo para sa paghubog at training ng mga pambansang atleta sa opisyal na paghirang sa bagong bukas na Vermosa Sports Hub sa Imus City, Cavite bilang bagong balwarte ng national track and field athletes.

Inianunsyo ito kahapon nina PATAFA president Philip Ella Juico, VSH managing director John Philip Orbeta, kasama sina Vermosa Estate head Jay Teodoro at Manila Water Advocacy and Research head Noni Busuego sa nasabing lugar, national coaching staff na pinamumunuan ni Dario de Rosas at national athlete sa pangunguna ni Marestella Torres-Sunang.

“We believe in our national athletes’ potential to inspire, drive and instill collective nationalism through sports,” bigkas ni Orbeta. “One of the biggest gaps is an internationally certified athletics facility which the Vermosa Sports Hub provides as a means to improve their performance and competitiveness.”

Labis naman ang pasasalamat nina Juico, De Rosas at Sunan.

Bukod sa bagong bahay, makakapag-ensayo na ang mga manlalaro sa tanging sertipikado ng International Association of Athletics Federation 9-lane track & field oval sa bansa, makakagamit din ng Olympic-sized swimming pool, 600sqm Sante Fitness Club, sports rehab areas, sports science laboratory, dance studio, spinning class area, bike shop & services, nutrition & fitness café, VO2 max/lactate testing, at conference at lecture rooms.

“Malaking bagay ito sa aming national athlete kasi sa Ultra (PhilSports Complex)-Pasig City hirap kaming mag-training kasi maliit na nga ang pasilidad marami pang tao, traffic na rin at nagkakabungguan kami. Yung sa Baguio (City-Teachers Camp) luma na rin,” ani Torres-Sunang, kabilang sa inisyal na 14 palipat na, una karamihan ang atletang pa-Jakarta-Palembang, Indonesia 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?