73

Aug 21, 2020 @ 22:56
By

Sumunod kaya sa protocol? Cansino, UST nag-training sa Sorsogon

Unti-unti nang nagsisilabasan ang tunay na dahilan kung bakit inalis si CJ Cansino sa UST Growling Tigers.

Sa serye ng tweet ni Philippine Star journalist Abac Cordero, sinabi nito na nagkaroon ng ‘bubble’ ang UST team sa Bicol para makapag-ensayo.

Ngunit hindi pa klaro kung nakakuha ng clearance ang naturang koponan para sa team practice alinsunod sa rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Ayon pa kay Cordero, nais ni Cansino na makabalik na sa kanyang pamilya dahil tumatakbo na raw ang ensayo ng ilang buwan, ngunit hindi siya pinapahintulutan ng UST.

Dito na nagsalita si Cansino para makauwi na sila ng kanyang mga teammate, na hindi umano nagustuhan ni UST coach Aldin Ayo at pinauwi na lang daw silang lahat.

Sa tweet ng girlfriend ni Cansino na si Alliana, binahagi nito ang ilang video patunay ng naganap na ‘bubble’ sa Bicol.

Noong July 3 lang pinayagan ng IATF ang pagbabalik-ensayo para sa basketball at iba pang sport, kung saan hindi pinapayagan ang 5-on-5 scrimmage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?