64

By

Sumukong presong napalaya sa GCTA, abot sa 1,950

Umabot na sa 1,950 ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang sumuko at nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay mas mataas kumpara sa 1,914 PDL na nasa listahan ng mga heinous crime convict na maagang pinalaya dahil sa maling aplikasyon ng expanded Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson at Undersecretary Markk Perete, tinanggap pa rin ng BuCor ang mga PDL o convict na nagsisuko bagaman wala naman ang kanilang pangalan sa listahan.

Bukod pa rin aniya ang bilang ng DOJ sa mga sumuko na nasa kustodiya pa ng Philippine National Police.

“Apparently, tumanggap ng kahit hindi kasama sa original 1,914 na surrenderers itong si BuCor… 1,950 ‘yung mga na-receive na ng BuCor actually in their custody na PDLs,” ayon kay Perete.

Dahil sobra-sobra ang bilang ng mga surrenderer, minarapat ng DOJ na ipatigil muna sa PNP ang pagtugis at pag-aresto sa mga heinous crime convict na hindi dapat nakinabang sa GCTA.

Aminado rin ang DOJ na maraming mali sa orihinal na listahan ng BuCor kaya nais muna nilang malinis ang listahan para hindi naman daw masayang ang resources ng gobyerno sa pagtugis sa mga indibiduwal na hindi naman dapat arestuhin.

Nais din daw nilang maiwasan na malagay sa panganib ang buhay ng mga hindi naman dapat aarestuhin, pati na ang buhay ng mga pulis na magsasagawa ng pag-aresto.

“We understand na activated na ‘yung tracker teams pero ‘yung communication namin last night is huwag munang mag-rearrest. We also do not want ‘yung possible na incidence na where mapu-put into peril both ‘yung life ng hindi dapat arestuhin pati ‘yung mga kapulisan,” sabi pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?