163

Sep 25, 2019 @ 17:43
By

Sumukong preso na nakalaya sa GCTA, pumuga sa Bilibid

Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang insidente kaugnay sa pagtakas ng isang person deprived of liberty (PDL) returnee noong Martes sa New Bilibid Prison.

Batay sa paunang report na inilabas ng ahensya, walang kinalaman sa Good Conduct Time Allowance ang paglaya ng nasabing tumakas na PDL.

Gayunpaman, sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na kanila nang iniimbestigahan ang posibleng pananagutan ng mga nagbabantay sa seguridad sa Bilibid.

“We are investigating this incident. Initial report indicates that the previous release of the PDL in question was non-GCTA related,” aniya.

“Nevertheless, we are looking into any liability on the part of those who are supposed to ensure security in our prison facilities,” sabi pa ni Perete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?