100
Sumukong bilanggo na nakalaya sa GCTA, nasa 1,025 na
Sep 19, 2019 @ 16:09
By

Sumukong bilanggo na nakalaya sa GCTA, nasa 1,025 na

Higit isang libo na ang sumukong heinous crime convicts sa awtoridad na kamakailan lang ay napalaya dahil sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sa kumpirmasyon ni Justice Undersecretary Markk Perete, kabuuang 1,025 na ang bilang ng mga surrenderer nitong alas-dos ng hapon, Setyembre 19.

Ngayong araw, magbibigay sila ng bagong listahan sa Department of Interior and Local Government na magsisilbi nitong gabay sa muling pag-aresto sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na hindi tatalima sa itinakdang panahon para sila ay kusang sumuko.

Mamayang gabi sa ganap na 11:59 pm, ay magtatapos na ang 15-day period na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para kusang sumuko ang mga PDL na maagang napalaya dahil sa maling aplikasyon ng GCTA.

“As of 2pm yesterday, there are already 1,025 surrenderer. This day, we will be transmitting a new list to the DILG which will serve their guide in implementing the rearrest of those who didnt surrender upon the lapse of 15-day period which will expire 11:59 tonight,” ayon kay Perete.

Lalamanin naman ng cleaned-up list ang detalye kaugnay sa PDL, kasama na ang krimen na kanilang nagawa, ang kanilang last known address, pati na ang kanilang litrato nang sa gayon ay maiwasan ang mistaken identity sa gagawing pag-aresto.

Ayon sa Bureau of Corrections, nasa kabuuang 1,914 heinous crime convicts ang napalaya mula 2014 dahil sa GCTA law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?