81

Sep 26, 2017 @ 14:13

Sumuko sa Tokhang itinumba sa Plaridel

Isang lalaking na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ang napatay makaraang paulit-ulit na pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong riding-in-tandem habang ang biktima ay naglalakad sa Barangay Banga 1st,P laridel, Bulacan kamakalawa.

Sa inisyal na report ng pulisya, nakilala ang biktimang si Jonald Visconde, nasa hustong gulang at residente din sa nasabing bayan na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at likod habang tumakas mga mga suspek lulan ng motorsiklo.

Naglalakad umano ang biktimang si Visconde nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng isa sa dalawang riding-in-tandem at nang pasubsob na bumagsak ang biktima ay muli itong nilapitan ng mga suspek saka muling pinaputukan.

Ang biktima ay sumuko na sa Oplan Tokhang ngunit pinararatangang muling bumalik sa ilegal na Gawain. Ito sinisilip na motibo nang pagpatay.(Jun Borlongan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?