13

Aug 31, 2020 @ 10:41
By

Sumubok magpuslit ng BBQ, jobless timbog

Hinuli ang isang lalaki matapos umanong magnakaw ng pork kasim at limang pirasong barbeque sa isang convenience store sa Taguig. Napag-alamang walang trabaho ang lalaki.

Sa isang ulat, kinilala ng Southern Police District ang suspek na si Jeffrey Cayanan, 28, residente ng Barangay Tuktukan.

Ayon sa pulisya, pumunta si Cayanan sa isang Alfamart store sa Barangay Ligid-Tipas noong Sabado at nagpanggap umanong customer.

Kumuha umano ang lalaki ng isang sealed plastic bag na may P135-pork kasim at isang sealed plastic ng SMB skewered barbecue na nagkakahalaga rin ng P135 nang hindi nagbabayad.

Sabi ng nagreklamong si Milven Navia, minonitor niya ang ginawa ng suspek sa CCTV at hinabol ang lalaki sa tulong ng barangay.

Nahuli ng awtoridad si Cayanan at dinala sa Sub Station 5.

Samantala, ayon sa pulisya, narekober na ang mga ninakaw umanong karne.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?