287

By

Sumpa sa ABL playoffs, natanggal ng Alab Pilipinas

Lumapit ang Alab Pilipinas sa pangarap nitong makapasok sa semis ng ASEAN Basketball League.

Ito ay makaraang talunin ng Alab ang Saigon Heat, 110-100 sa Quarterfinals game nito sa ABL na ginanap sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Top performer para sa Alab sina Ray Parks na nagpasok ng career playoff high 24 points, si Justine Brownlee na nagtala ng 22 points, 11 rebounds at 8 assists at si Renaldo Balkman na bukod sa gumawa ng 17 points ay humatak din ng 20 rebounds.

Malaki rin ang naitulong ng bench player na si Lawrence Domingo na nagtala ng 18 points at anim na rebounds.

Umabot sa 22 puntos ang pinaka malaking lamang ng Alab sa fourth quarter, 97-75.

Dehado ang Saigon sa laban dahil anim lamang ang player nito na nakapaglaro at walang coach sa halos buong game.

Sa kabila ng panalo, sinabi ni coach Jimmy Alapag na hindi sila dapat na maging kumpiyansa at kailangang tuluyang idispatsa ang Heat para makapasok sa semis.

Ang susunod na laro ng Alab ay idaraos sa homecourt ng Heat sa Vietnam sa darating na Abril 7.

Ang Alab ay matatandaang winalis ng Singapore Slingers sa quarterfinals noong nakaraang season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?