40

By

‘Sumpa’ ng Phoenix tapos na sa‘min – Pido

Tapos ng mahaba-habang panahon, nasolusyunan din ng NorthPort ang puzzle ng Phoenix.

Nakumpleto ng Batang Pier ang 80-70 win laban sa Fuel Masters sa Petron Saturday Special ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Mula pa noong nakaraang season, 0-5 ang NorthPort sa Phoenix.

“Siguro, law of averages,” bulalas ni Batang Pier coach Pido Jarencio. “’Di pa kami nananalo ever since last season, kaya siguro it’s about time na manalo tayo.”

Napigil din ng Batang Pier ang four-game slide at nakahinga sa 2-4.

“In yesterday’s practice, sinabi ko sa kanila, ‘Let’s regroup, let’s focus, ‘yung goals natin, ‘yung mindset ayusin natin. Ano lang, one game at a time then let’s make stops.’ ‘Yun lang,” lahad ng coach.

Tumugon si Mo Tautuaa, nag-deliver ng 16 points at 9 rebounds. May 12 at 6 din si Mychal Ammons kasabay sa pang-angkla ng depensa kay Phoenix import Eugene Phelps.

“Mo playing well, tapos si Ammons stopping Phelps. Malaking bagay ‘yun,” dagdag ni Jarencio.

Naigapos si Phelps sa 14 points, mababa ng 16 sa kanyang average.

Pinangunahan ng 15 markers ni Alex Mallari ang Fuel Masters, may 10 points at 10 rebounds si Jason Perkins.

Naagaw pa ng Phoenix ang manibela 61-60 sa bukana ng fourth bago nagkasa ang NorthPort ng 8-0 run na sinindihan ng tres ni Paolo Taha.

Isa pang 12-3 tear ang nagbigay sa NorthPort ng 80-68 lead.

Tumapos si Taha ng 14 points, may 11 pa si Garvo Lanete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?