By

Sumitomo, hindi solusyon sa aberya sa MRT – solon

Sharing is caring!

Hindi kumbinsido si Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao na matatapos ang problema sa mga aberya ng MRT 3 kung ibalik sa kumpanyang ang Sumitomo bilang maintenance provider nito.

Giit ni Casilao, hindi privatization ng maintenance service kundi ang lubos na pag-take over ng gobyerno sa MRT 3 ang solusyon sa problema sa pasilidad.

Katuwiran ng kongresista, mismong ang nagbitiw na Transportation Undersecretary for rails na si Cesar Chavez ang nagsabing problemado rin ang operasyon ng MRT 3 noong hawak pa ng Sumitomo ang maintenance nito.

Sa katunayan, naitala anya ang 539 na insidente ng unloading ng pasahero ng MRT noong 2007 at 457 na insidente noong 2011.

Ayon kay Casilao, hindi ito nalalayo sa pinaka-peak ng insidente ng passenger unloading sa ilalim ng BURI na umabot ng 576 noong 2016.

“We seriously demand the Duterte government to take over the transport system, nationalize and establish a local industry for its sustainability, the Filipino commuter had enough of import-dependent system that eventually led to woeful experience,” giit ni Casilao.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi lamang ang isyu ng maintenance ang dapat tingnan sa MRT kundi ang build-lease-transfer (BLT) contract ng gobyerno sa MRT Corporation (MRTC).

Sa ilalim ng BLT contract, nagbabayad ang gobyerno ng renta sa MRTC ng halagang P610 million kada buwan.

“The gov’t will be massively shelling out P75 to P100 billion just for these rentals until 2025, and obviously it will be sourced not just from the commuting public, but from the taxpayers,” diin ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?