13

Sep 13, 2020 @ 18:00
By

Sumasamo kay LeBron: NBA bus hinarang ng mga raliyista

Sinalubong ng mga mga ‘Black Lives Matter’ protester ang mga bus ng NBA matapos ang laro ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets.

Sa kuhang video ng NBA media, nakita ang mga raliyista na nakaharang sa kalsada hawak-hawak ang kanilang mga karatula, kung saan nagpapatulong sila kay four-time NBA MVP LeBron James.

Pabalik sa hotel ang media at mga manlalaro nang ito’y mangyari.

Ang protesta ay isinagawa para kay Salaythis Melvin, isang 22-year old black American na pinaslang ng mga pulis sa parking lot ng isang mall sa Florida nitong Agosto.

Wala pang pahayag si LeBron ukol sa pangyayari, ngunit kilala ang NBA superstar na aktibo sa paglaban sa racial injustice sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?