67
inc
By

Sumali sa ‘Worldwide Walk for Poverty ng INC, 1.5M na

Sharing is caring!

Lalo lang tumindi ang trapik sa Maynila ang kalapit nitong lungsod matapos umabot sa 1.5 milyong katao na ang sumali ‘Worldwide walk to fight poverty” ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo, ngayong araw ng linggo.

Sama-sama nakilahok ang mga bata at matanda para makumpleto ang 1.6 kilometrong lakaran sa kahabaan ng Roxas Blvd. na nagsimula kaninang alas 6:00 ng umaga.

Bawat kalahok ay binigyan ng wristband na kailangan ihulog sa droip box kapag narating na nila ang finish line.

Ang nasabing mga wristband ang bibilangin ng mga kinatawan ng Guinnes book of world records para malaman kung nakamit nila ang official attempt.

Maliban sa lungsod ng Maynila ay may kaparehong aktibidad din sa ibat-ibang panig ng bansa at sa iba pang panig ng mundo.

Limang bagong world records ang tangkang makuga ng INC. at ito ay ang :

-largest human sentence, kung saan poporma ang mga miyembro ng INC para mabuo ang katagang “ largest picture mosaic formed by people”

– largest charity walk across multiple venues

-largest charity walk in a single venue

-at most nationalities in a charity walk.

Samantala, ayon naman kay Police Supt. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng MPD, nasa 20 kalahok ang nilapatan ng atensiyong-medikal dahil sa pagkahilo at hypertension.

Kasabay naman ng buhos ng tao ay nakakalat ang mga pulis-Maynila sa tulong ng iba pang puwersa ng PNP upang matiyak ang seguridad at kapayapaan sa mga lugar ng aktibidad ng INC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?