6

Jul 22, 2020 @ 13:16
By

Sulu rubout: Army chief kumbinsidong makukulong 9 pulis

Sinang-ayunan ni Philippine Army Commanding General Lt. General Gilbert Gapay ang ginawang aksyon ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa rekomendasyon ng pagsasampa ng kasong murder at pagtatanim ng ebidensiya laban sa siyam na pulis na responsable sa pagkakapatay sa apat na Army intelligence officer sa Jolo, Sulu noong nakaraang buwan.

“This is a welcome development not only for the Philippine Army, but also for the families of our soldiers who were murdered in cold blood.

This is proof that their cry for justice is being heard, and we are confident that we will secure conviction against the perpetrators of this heinous crime,” ani Gapay sa inilabas nitong pahayag Miyerkoles ng umaga.

“I also laud the exemplary professionalism of our troops, who remain steadfast, and faithful to their mandate despite the loss of our Jolo Four. These fallen heroes have actually further fueled our determination, and resolve to fight terrorism,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, sa inilabas ding pahayag ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasampa ng kasong murder sa siyam na pulis, sinabi ng tagapagsalita nito, si Brig. Gen. Bernard Banac, na kasuhan at parusahan ang sinomang may kinalaman sa krimen.

“It is in the best interest of justice to prosecute those who may be criminally liable. Under the criminal justice system and in accordance to penal laws, the respondents will be given the opportunity to answer the charges against them before the proper forum and in accordance with due process,” pahayag ni Banac.

‘The Philippine National Police stands by the truth and will continue to be in the forefront of upholding justice for all,’ dagdag pa ng opisyal.

Matatandaang pinagbabaril ng siyam na pulis ang apat na sundalo na nagsasagawa ng operasyon laban sa mga Abu Sayyaf bomber sa Sitio Marina, Barangay Walled City sa Jolo, Sulu sa kabila ng pagpapakilala ng mga ito.

Dahil sa pangyayari ay agad na dinisarmahan ang mga nasabing pulis at pinigil sa Sulu Police Provincial Office. Kalaunan ay dinala sila sa PNP national headquarters sa Camp Crame para sa kanilang pagharap sa ginagawang imbestigasyon ng NBI.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?