9

Dec 29, 2020 @ 15:38
By

Sulu minamata lockdown vs bagong Covid

Minamata ng Sulu ang pagpapatupad ng lockdown kaugnay ng bagong Covid-19 strain mula United Kingdom.

Ito ay ikinokosidera ni Sulu Governer Abdusakur Tan dahil sa banta ng bagong strain na na-detect sa Sabah, Malaysia na malapit lang sa Sulu.

“Kailangan talaga prevention. Ito ang ginagawa namin. Lagi kami nag-uusap with the security sector kung saan sila ang may kakayanan na maglagay ng water asset para sa coastal area na mabantayan na walang makapasok sa ating lalawigan,” aniya sa isang panayam.

Dagdag pa niya, maaari ring isailalim sa lockdown ang kanilang inter-island.

“Kino-consider natin na even inter-island baka i-lock down namin. Kahit na among islands and municipalities dito sa Sulu ay baka i-lock down muna natin hanggang sa hindi natin nakikita kung ano ba talaga itong bagong sakit,” saad niya.

Kasalukuyang naka-ban ang mga biyahe sa Sulu na nagmumula sa Sabah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?