13

Dec 29, 2020 @ 16:17
By

Sulu lockdown ng 2 linggo

Isasailalim sa lockdown ang lalawigan ng Sulu bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na mapigil ang pagpasok ng bagong coronavirus variant sa lugar, ayon sa Western Mindanao Command (WesMinCom).

Sabi ni WesMinCom chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, ipatutupad ang lockdown mula Enero 4 hanggang Enero 17, 2021.

Nakita ang bagong variant ng coronavirus sa Sabah, Malaysia, na malapit lamang sa lalawigan ng Sulu.

Kaya sinabi ni Sulu Governor Abdusakur Tan na pansamantalang hindi muna magpapapasok ng mga mula sa Sabah dahil dito.

Humingi na rin siya ng tulong sa gobyerno hinggil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?