8

By

Sultan Kudarat niyanig ng kambal na lindol

Sharing is caring!

Dalawang magkasunod na lindol ang naramdaman sa lugar ng Sultan Kudarat noong Lunes ng gabi.

Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), niyanig ang nayon ng Kalamansig bandang alas-10:49 ng gabi ng magnitude 4.9 na lindol.

Ang nasabing lindol ay umabot ng Intensity III sa Kalamansig at sa kalapit na bayan ng Lebak.

Ilang minuto lang ang nakalipas, biglang nagparamdam ang isa namang magnitude 4.5 na lindol sa pareho ring lugar bandang 10:54 ng gabi.

Ang dalawang lindol ay tectonic ang dahilan, at may lalim na walong kilometro.

Wala namang naitalang aftershock at pinsala sa nasabing lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?