23

May 29, 2020 @ 19:33
By

Sultan Kudarat inuga ng lindol

Tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa Sultan Kudarat nitong Biyernes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, yumanig ang lindol dakong alas-4:05 ng hapon sa southwest ng Palimbang.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 30 kilometro, dagdag ng Phivolcs.

Naramdaman ang Intensity I sa General Santos City; Tupi, South Cotabato; at Alabel at Kiamba sa Sarangani.

Walang inaasahan ang Phivolcs na aftershock at pinsala ng lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?