49

By

Sultan dugong Pinoy pero ‘Mexican Warrior’

Hindi magiging madali kay Jerwin Ancajas na depensahan ang kanyang titulo kontra Jonas Sultan sa Sabado (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa Fresno, California.

Ayon sa chief assistant ni Freddie Roach na si Marvin Somodio, napanood niyang magsanay si Sultan sa Wild Card Gym at napabilib siya nito.

“I watched Sultan work out and spar at Wild Card. He’s very determined to win and I don’t think he is as skilled as Ancajas but he’s capable of winning. He’s like a Mexican Warrior,” ani Somodio.

Dagdag nito, sobrang tiyaga ni Sultan at nasa magandang kondisyon kaya paalala niya kay Ancajas, maghanda dahil hindi madaling mapatumba si Sultan at lalaban ito hanggang dulo.

Si Wayne Hedgpeth ng Los Angeles ang napiling referee sa laban at mga judges ng laban ay binubuo nina Jonathan Davis, Daniel Sandoval at Zachery Young.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?