sultan
By

Sultan dehado, pero delikado

Sharing is caring!

Malayong dehado ang tingin ng karamihan sa tsansa ni Jonas Sultan kontra defending IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas sa kanilang all-Pinoy showdown sa Mayo 26 sa Fresno, California.

Wala siyang pakialam.

“No problem. I feel great and everything is being handled by my trainers, including my sparring and weight,” lahad ni Sultan, 26. “Jerwin’s the only one standing in my way.”

Ayon pa kay Sultan, gagawin niya lahat upang makaiskor ng upset. “I have done everything that is needed in training,” sabi pa ni Sultan, na tumulak nang pa-Amerika upang ipagpatuloy sa Wild Card Gym ang kanyang preparasyon.

Kahit ang head trainer nitong si Edito Villamor, sinabing mas pabor pa sa kanyang alaga ang pagiging dehado sa laban.

“We just focus on our training and make it sure that we properly follow the training program,” sabi naman ni Villamor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?