abante-tnt-vismin-jonas-sultan
By

Sultan bubulagain ang buong mundo

Sharing is caring!

Ang bad news – karamihan sa mga boxing expert, hindi man lahat, sinasabing tatalunin ni Jerwin Ancajas si Jonas Sultan sa laban nila ngayong Linggo (Sabado sa Amerika) sa Save Mart Center sa Fresno, California.

Ang good news – walang pakialam si Sultan!

Pinaninindigan ng kampo ng Tampilisan, Zamboanga del Norte pride na gugulatin nito ang buong mundo at uuwing kampeon pagkatapos ng upakan nila ng IBF super flyweight ruler Ancajas.

“Wala naman siguro maniwala na manalo si Jonas. Pero kami, we worked had for this fight at condition naman si Jonas. We’ll just wait and see na lang sa Sabado kung sino ang manalo,” kampanteng sabi ni Edito Villamor, chief trainer ng 26-anyos na si Sultan. “Okay lang ‘yon. Wala naman kami problema sa mga prediction, iba-iba naman ang opinion ng mga tao.”

Tiwala ang kampo ni Sultan na mananaig ito kontra kaedad na si Ancajas, tulad ng panalo nito kontra Johnriel Casimero at Sonny Boy Jaro noong isang taon.

Sa mga nasabing laban, wala ring nagsabing mananalo siya pero umiskor siya ng decision win laban sa una at 8th round KO victory sa pangalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?