19

Sep 27, 2021 @ 16:42
By

Sulit ang kuha! CJ Perez PBA Player of the Week

Pinatunayan ni CJ Perez na kahit pa siya ay nasa loaded team gaya ng San Miguel Beermen ay kaya pa rin niyang magpamalas ng bigating laro.

Patunay riyan ang huling dalawang laro ng Beermen kung saan kumamada si Perez ng average na 17.0 points, 6.0 rebounds, 2.5 assists at 2.0 steals.

Kaya naman, sa dating PBA two-time scoring champion iginawad ang Player of the Week citation para sa Setyembre 22-26 period.

Sa huling laro ng Beermen sa elimination round kontra Alaska, kumana si Perez ng 20 points, six rebounds at apat na steal.

Samantalang sa laro ng San Miguel kontra Northport na siyang game one ng kanilang best of three quarter finals ay 14 points, six rebounds at two assists naman ang naiambag ni Perez.

Ang laro kontra Northport ang unang playoff game sa karera ni Perez, nakuha ng Beermen nitong offseason mula sa Terrafirma Dyip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?