106

Nov 20, 2019 @ 12:45
By

Sulit ang hirap, pagod – Balanza

Sa kabila ng pinagdaan ni Jerrick Balanza, malaki ang pasasalamat niya sa buong Letran community dahil sa pagbibigay sa kanya ng tiwala upang makabalik ang Knights sa kampeonato ng 95th NCAA seniors basketball tournament 2019 Martes ng gabi sa MOA Arena, Pasay.

“Sobra-sobrang pasalamat ko. Alam mo yung speechless ka na lang talaga.Masasabi ko nalang talaga is ‘thank you, Lord’,” pahayag ni Balanza ilang minuto tapos sorpresang matakasan ng Intramuros-based squad ang San Beda sa winner-take-all Game 3, 81-79. “Napakabuti niyo sa akin, napakabuti niyo sa amin.”

Bukod dito ay magandang run naman ang pinakita niya sa buong Letran dahil nang rookie pa lang siya ay nabitbit na niya sa kampeonato kasama ni coach Aldin Ayo hanggang sa kanyang huling taon ngayon.

“Sobrang sarap kasi nung una pa lang ito na yung nasa vision ko eh na mag-e-exit ako nang maganda, tapos nung nagkasakit ako yung nasa likod ko, Letran community,” dagdag ng 6-foot-3 guard.

“Sabi ko isa lang talaga yung nakikita kong way para pasalamatan ang Letran – is yung mapag-champion ulit.”

Sulit din aniya ang lahat ng pinaghirapan at pinagpaguran niya at ng buong team sa pagkakamit ng ikawalong titulo sa liga at una buhat noong 2015.

Dagdag rin niya ay sulit lahat ng pagod at hirap na pinagdaan niya upang makamit muli ang matamis na kampeonato bago siya g-grumaduate sa Colegio de San Juan de Letran.

“So ayun pinahirapan ko yung sarili ko para makuha ito [championship] hindi naman binigay saakin ng madali ito eh. Madami rin sacrifices, hindi lang ako, yung family ko and yung team namin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?