52

By

Suha, panlaban sa cancer

Sharing is caring!

Alam n’yo bang bukod sa pag-inom ng red wine, ang pagkain naman ng pomelo o suha ay nakatutulong din upang makaiwas sa pagkalat ng cancer cells.

Ang balat ng prutas na pomelo ay mayaman sa bio-flavonoid na siyang tumutulong sa pagbawas ng pancreatic cancer, intestinal cancer at breast cancer.

Sa katunayan, pinipigilan ng bio-flavonoid sa pomelo ang pagkalat ng cancerous cells. Ito ay dahil puno ang pomelo ng Vitamin C na siyang pumipigil sa paninikip ng arteries sa puso.

Para naman sa mga nagpapapayat, mainam ang pagkain ng pomelo dahil mabilis nitong nasusunog ang fat burning enzymes sa katawan. Madaling tumunaw ng hindi inaasahang fats ang pagkain ng suha kaya naman karamihan sa mga model ay palaging kumakain ng pomelo.

Maaari ring kainin ang pomelo upang gumaling sa sakit na diabetes, insomnia, lagnat at pati na rin sa sore throat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?