22

Jul 27, 2019 @ 17:32
By

Sugatang pawikan, na-rescue sa Roxas City

Palutang-lutang na nalambat ang isang pawikan ng mga mangingisda sa Barangay Culasi, Roxas City, Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa mga nakahuling mangingisda, sumabit sa kanilang lambat ang sugatang pawikan na nasa 30 kilo ang timbang.

Nakitaan ng sugat sa lalamunan ang pawikan at nakita pa ang isang fish hook na nakabaon na posibleng sanhi ng kanyang panghihina.

Agad na dinala ng mga mangingisda ang pawikan sa dalampasigan upang magamot at ipinaalam sa pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources ang nahuling pawikan na maituturing na endangered species.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?