12

Jan 5, 2022 @ 12:57
By

Sugatang hiker sinalba ng doggy

Matapos mahulog sa bangin habang umaakyat ng bundok, ang alagang aso ng isang hiker sa Croatia ang nag-preserba ng kanyang buhay hanggang sa dumating ang mga rescuer.

Ayon sa ulat ng Express News, isa ang lalaking si Grga Brkic sa tatlong hiker na tinatahak ang Velebit mountain range sa Croatia sa gitna ng makapal na snow.

Ngunit nahulog si Brkic sa isang bangin na 150 metro ang lalim at hindi na maabot ng dalawa niyang kasama.

Sa taas ng kanyang binagsakan, hindi makagalaw si Brkic at pinangambahang mamatay sa lamig.

Dito na bumida ang kasama at alaga niyang aso na si North, na isang walong buwang gulang na Alaskan Malamute.

Pumatong umano ang aso sa kanyang amo sa loob ng 13 oras upang hindi manlamig si Brkic.

Hindi naman sila iniwan ng dalawang kasama ni Brkic at tumawag ng rescue team.

Bagamat sugatan si Brkic, ligtas naman at walang galos si North.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,