5,990

Oct 18, 2019 @ 11:55
By

Sugatan ang mukha! Pamangkin nadamay sa inis ni Gretchen

Hindi lamang Gretchen at Claudine vs Marjorie ang naging eksena sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto.

Isang pamangkin din umano ni Greta ang napagitna sa away ng mga Barretto sisters dahil sa pananabunot ng nakatatanda sa tatlo.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, hinablot umano ni Gretchen ang buhok ng isa nitong pamangkin, kung saan kinailangan ng Presidential Security Group ni Pangulong Rodrigo Duterte para maawat ang aktres.

Nagtamo umano ng galos sa mukha ang pamangkin dahil sa ginawang pananakit ni Gretchen.

Kaagad naman umanong nag-sorry si Gretchen sa nagawa sa burol ng kanyang tatay.

Matatandaan na naging matunog ang away nilang dalawa ng kapatid na si Marjorie dahil sa naging patama ni Gretchen sa anak ng una na si Julia Barretto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?