sugal1
By

Sugal pusta shabu, 4 huli sa Pasig

Sharing is caring!

Apat katao ang inaresto ng Pasig Police makaraang mahuling nagka-cara y cruz sa kalsada ng nagpapatrulyang pulis at madiskubreng droga ang ginagawang pangpusta, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell sina Bernie Gardielo y Perez, Ariel Pardilla y Perpeña, Ernie Salas y Silva at Robert James Castañeda y Rubia, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Rosario, Pasig City at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at RA 9165 o illegal drugs act.

Batay sa report, nagpapatrulya ang mga tauhan ng PCP-6 sa kahabaang ng Rosario Extention malapit sa Doña Juliana Subd. sa Ortigas Ave. bandang 6:00 kamakalawa ng gabi nang mapansin ang pag-iingay ng mga suspek sa kalsada na naglalaro ng cara y cruz.

Habang papalapit na ang mga pulis ay agad nagkalasan ang mga miron nito at nadampot ang apat katao na kasama sa pagsusugal na ang pustahan ay shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong .25 centavo coins bilang pangara at P20.00 bet money at apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?