34

Sep 17, 2019 @ 9:46
By

Suerte Player of the Week ng UAAP

Pinatunayan ni UE Red Warrior Rey Suerte na kaya niyang makipagsabayan sa iba pang mga collegiate standout ng 82nd UAAP senior basketball tournament first round elims.

Inakay ng one-and-done player mula Cebu ang Red Warriors sa unang panalo nila nitong Sabado, Setyembre 14, nang pabagsakin ang La Green Archers sa kanyang back-to-back three-point shots, 89-88.

Sa laban, nagtala si Suerte ng season-high 31 points, 7 rebounds at 3 assists para sa 1-3 record ng koponan, sapat upang tanghalin bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps UAAP Player of the Week nang Setyembre 9-19.

“Kailangan namin manalo talaga kaya nasa isip ko kanina, positive lang, at bawat bitaw ko, masu-shoot talaga,” bulalas ni Suerte.

Dinaig ni Suerte sina Sto. Tomas Growling Tigers Soulemane Chabi Yo at Rhenz Abando, Ateneo Blue Eagle Angelo Kouame, UP Fighting Maroons Bright Akhuetie at Kobe Lorenzo Paras para sa weekly citation ng mga print at online sports media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?