16
chess1
By

Suelo hari ng Singapore Rapid Chess

Kinalos ni Pinoy woodpusher Roberto Suelo, Jr. si Singaporean Aldrin Wong sa sixth at final round upang sungkitin ang titulo sa Asean Chess Academy Rapid Open Chess Championships kagabi sa Bukit Timah Shopping Centre sa Singapore.

Nakalikom ang 1996 Philippine Junior champion ng 5.5 points mula sa five wins at draw para makopo ang titulo sa six-round tournament.

Komolekta rin si Filipino International Master candidate Edgar Reggie Olay mula Kidapawan City, North Cotabato ng 5.5 points matapos kaldagin si Singaporean Richard Lean sa final round pero nasikwat ni Suelo ang first place dahil sa superior tiebreak points.

Nagkaharap sina Suelo at Olay sa Round 2, tabla ang resulta.

Nagtatrabaho bilang chess teacher sa Singapore, ipinanganak at lumaki sa Quezon City ang dating pambato ng Rizal Technological University (RTU) chess team na si Suelo, inakbayan niya ang RTU para hablutin ang national championships title sa national inter-collegiate noong mid 90s.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?