24

Jan 12, 2022 @ 22:59
By

Sue Ramirez tinodo pag-umbag kay Jodi

Totohanan ang pananakit ni Sue Ramirez kay Jodi Sta. Maria.

Sa isang eksena ito ng inaabangang “The Broken Marriage Vow” kung saan binatukan niya si Jodi.

Ani Sue, sobra ang takot niya dahil ang liit ng ulo ni Jodi kaya una niyang plano ay pekein ito.

Pero si Jodi raw mismo ang nag-udyok sa kanyang totohanin ito.

“I was really hesitant to do it. I wanted na i-jerk. Kaya naman siguro naming i-acting na lang ni Ate Jodi e pero she told me na ‘Sue, gawin mo. Gawin mo talaga. Okay lang ako’,” tsika ni Sue sa isang virtual press conference.

“I was really scared. Ang liit kaya ng ulo ni Ate Jodi — ga-munggo po siya. Konting pagkakamali, ulo ‘yun. Bawal nga masahihin ‘yung batok tapos mambabatok pa ako,” dagdag ni Sue.

Sa naturang eksena, nag-walkout ang karakter ni Sue na si Lexy Lucero — ang kabit sa nasabing serye — matapos ibuking ni Jodi (Dr. Jill Ilustre) sa mga magulang niya ang tungkol sa affair niya sa may asawang si David Ilustre (Zanjoe Marudo).

Ipinakita sa trailer na bago mag-walkout si Sue ay binatukan niya nang bongga si Jodi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?