2,658

Jan 13, 2022 @ 10:09
By

Sue Ramirez natakot batukan ‘maliit, gamunggo’ na ulo ni Jodi

Takot at nagdalawang-isip umano si Sue Ramirez kung babatukan ba niya ng malakas si Jodi Sta. Maria sa isang eksena sa bago nilang palabas na “The Broken Marriage Vow,” dahil umano sa liit ng ulo nito.

Sa naturang palabas, si Sue ay gaganap na kabit ni Zanjoe Marudo, habang si Jodi naman ang legal wife.

At gaya ng mga normal na palabas na may kabit, mainit ang eksena sa pagitan nina Sue at Jodi.

Isa sa mga nasilip sa trailer ay ang pagbatok ni Sue kay Jodi, na ikinaloka umano ng aktres.

“Ang laki ng pressure sa akin. Batok talaga? Nakakaloka!” kwento ni Sue sa virtual presscon ng serye.

“I was really hesitant to do it. I wanted na i-jerk. Kaya naman siguro naming i-acting na lang ni Ate Jodi e pero she told me na ‘Sue, gawin mo. Gawin mo talaga. Okay lang ako,’” kwento pa niya.

“I was really scared. Ang liit kaya ng ulo ni Ate Jodi, gamunggo po siya. Konting pagkakamali, ulo ‘yun…bawal nga masahihin ‘yung batok tapos mambabatok pa ko!” dagdag pa ni Sue.

Ngunit sa huli, pinagmamalaki naman ni Sue na nakuha nila ni Jodi sa isang take ang eksena ng kanyang pagbatok.

“At nakuha namin in one take. Tinotoo talaga na batok. May alalay nang malala pero kinailangan talaga dumikit para maganda rin ‘yung pagkahulog ng ulo ni Ate Jodi,” dagdag pa ng aktres.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay magsisimula sa Enero 24, alas-8:40 ng gabi sa Kapamilya network. (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?