21

By

Sue Ramirez, allergic sa bashers!

Sharing is caring!

Sa pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi ay may kakaibang karamdaman ang ginampanang papel ni Sue Ramirez dahil mayroon siyang EHS (Electromagnetic Hyper Sensitivity), in short, allergic siya sa wi-fi.

Sa presscon ng naturang pelikula, natanong ang Kapamilya aktres kung ano’ng mga bagay daw siya allergic?

Natatawang tugon ni Sue, “Wala po akong allergy physically, wala po akong anything… hindi ako allergic sa seafoods, hindi ako… Siguro, allergic lang ako sa bashers, lahat naman siguro tayo ay allergic sa basher.

“Hindi lang naman doon, siguro ay allergic din ako sa sinungaling, marami… siguro iyong common na mga allergy ng mga tao, parang pare-pareho naman po tayo.”

Saad pa niya, “Wala naman akong allergy, pero iyong mga pet peeves lang naman siguro.”

Kamakailan ay naging biktima ng bashers si Sue nang nag-post siya sa Instagram ng photo na naka-bikini habang nasa bakasyon. Ilan sa hindi magandang reaction sa kanya ay nang tawagin siyang malandi bunsod ng pagsusuot ng two piece bikini.

Pati ang-co-star niya sa pelikulang ito na si Jameson Blake ay binansagan ng iba bilang ang lalaking takot sa social media. Na-bash kasi recently ang naturang member ng Hashtag nang mag-post siya sa Twitter na gustong magpagawa ng cover photo for free at ang magiging bayad ay shout out mula sa kanya.

Reaction naman dito ni Sue, “Wala na tayong magagawa. Palalampasin na lang natin. We could hope for the better na sana they could find the positivity inside themselves para mas may magandang sabihin or mas magandang pagtuunan ng pansin. Stay positive na lang sa mga tao na nagko-comment.”

Ang pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi na hatid ng Cignal Entertainment, Octobertrain Films, at The IdeaFirst Company ay entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 na mapapanood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nationwide.

Ito’y pinamahalaan ni Direk Jun Robles Lana at bukod kina Sue at Jameson, tampok din sa pelikula Angellie Nicholle Sanoy, Yayo Aguila, Ms. Boots Anson Roa, Adrianna So, Lee O’Brian, at introducing si Markus Paterson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?