28

Nov 19, 2018 @ 15:18
By

SUCs pinatutulong kontra iligal na droga

Inatasan ng Malacañang ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang na ang mga government-owned and controlled corporation (GOCC) at state universities and colleges (SUCs) na aktibong makilahok sa anti-drug campaign ng Duterte administration.

Batay sa Memorandum Circular No. 53 na ipinalabas ng Malacañang, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na patuloy na hinihila pababa ng problema sa iligal na droga ang moral ng lipunan.

Masyado na aniyang minamaliit ang rule of law at itinuturing na ngayong problema sa pambansang seguridad ang talamak na illegal drug trade.

Nauna nang iniutos ng Malacañang sa pamamagitan ng Executive Order No. 66 na ipatupad ang Philippine Anti-illegal Drugs Strategy o PADS para mas epektibong maipatupad ang war on drugs.

Nagtatag na rin ang pamahalaan ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs at National Anti-Illegal Drug Task Force para mapatigil ang talamak na problema ng iligal na droga sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?