8
pnp
By

Subpoena powers, hindi ‘unli’ – CHR

Sharing is caring!

Walang problema ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagbabalik ng subpoena powers ng Philippine National Police, partikular na sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa inilabas na pahayag ng CHR, sinabi na kinikilala nito na mahalaga ang subpoena power para mapabilis ang pag-iimbestiga sa mga krimen.

Ngunit paalala lang ng komisyon, na hindi ‘unlimited’ ang kapangyarihan at iginiit na ito ay nalilimitahan pa rin ng mga karapatan na nakasaad sa Saligang Batas, Rules of Court, iba pang batas base sa interes na maggagarantiya ang rule of law at mga karapatang pantao.

Base sa Republic Act 10973 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo, may karapatan na ang hepe ng pambansang pulisya, ang direktor ng CIDG at deputy director for administration nito na magpadala ng subpoena sa mga tao at maging sa mga dokumento na maaaring magamit sa imbestigasyon.

Umaasa ang CHR na magagamit ang subpoena powers para mabigyan ng hustisya ang mga kamatayan na idinadawit sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?