10,938

Apr 3, 2020 @ 16:56
By

Subdibisyon ni Villar tinapunan ng bangkay

Isang hindi pa nakikilalang babae na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa may BF Resort Village,Las Pinas City ngayong araw.

Nakabalot pa ng plastic bag ang ulo ng biktima at ito ay tinatayang nasa 60 hanggang 65 anyos, may taas na 5’1 , kayumanggi at nakasuot ng kulay pink na duster nang ito ay matagpuan at wala nang buhay.

Dakong ala-2:45 ng hapon nang matagpuan ang biktima sa may Padua St. BF Resort Village Talon 2 nang nasabing lungsod.

Ayon kay Alvin Flores, 50 anyos, ng no.101 Lalaine Bennet St, naglilinis siya sa labas ng kanilang bahay nang mapansin ang bangkay ng biktima na nakabalot ng plastic bag ang ulo nito at wala nang buhay.

Agad naman nitong ipinagbigay alam sa kanilang barangay ang insidente.

Hinala naman ng pulisya na biktima ng salvage ang babae at wala naman nakitang external injuires sa katawan maliban sa ulo nito na nakabalot ng plastic bag.

Sa nasabing subdibisyon naninirahan ang mag-asawang sina Senador Cynthia Villar at dating Senador Manny Villar.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?