83

By

Suarez sinabon ang mga PCSO officials: Ayusin n’yo ang problema n’yo!

Kung si House Minority Leader Danilo Suarez ang tatanungin, tapos na ang usapin sa magarbong christmas party ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ito’y dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na anya ang nagsabi na walang isyu sa paggastos ng malaking mahalaga ng PCSO na malaki naman ang naitutulong.

Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, sinabi rin ni Suarez na hindi dapat i-single out ang PCSO dahil ginagawa rin naman ng ibang ahensiya ng gobyerno ang magarbong party.

Ginawa ng kongresista ang pahayag lalo na nang malaman kay PCSO General Manager Alexander Balutan na nasa P52 million na ang kita ngayon ng PCSO o mas malaki kumpara sa P37.4 million noong nakaraang administrasyon.

Pinagsabihan na lamang ni Suarez ang mga opisyal ng PCSO na mag-ayos na dahil nagtatrabaho sila sa tanggapan ng gobyerno na nasa charity works.

Kung hindi aniya kaya ng mga ito na ayusin ang kanilang problema, baka dapat may umalis sa kanila.

“When you are working under the government office in charge of the charity you should cooperatw with each other. Hindi magiging maayos kung hindi kayo magkasundo. Ayusin n’yo problema. If you cannot work together one has to go,” ani Suarez.

Una rito, nagpalitan ng mga alegasyon sina Balutan at PCSO Board Member Sandra Cam na nag-ugat sa christmas party controversy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?