4
tennis
By

Suarez, Pague namamalo

Sharing is caring!

May tsansa pang hindi umuwing luhaan ang tatlong pambato ng bansa mula sa pagkampanya sa PTT – International Tennis Federation Junior Grade 5 sa National Tennis Development Cenbter sa Nonthaburi, Thailand.

Pasok kahapon sa men’s doubles quarterfinals sina unseeded Pinoy lawn netters Justin Suarez at Jose Maria Pague nang maiskor ang pangalawang sunod na panalo, 0-6, 6-3 [10-8] sorpresang pag-alpas kina seventh seeded Anurag Agarwal at Udit Kamboj ng host country sa second round match.

Makakapaluan nila ngayon sa Last 8 sina unseeded Thai tandem Orachaya Baimong at Patorn Hanchaikul, gumimbal kina 4th seeded duo Japanese Kokoro Isomura at Thai Guntinun Sootinun-Opart, 6-4, 6-4.

Unang pinaeksit nina Pague at Suarez sina unseededThais Beramee Moungpoultham at Siravit Sudnate, 6-2, 6-3, noong isang araw.

Sa boy’s singles, 2nd round lang narating ni unseeded Pague, tinagpas si Thai wildcard Chotiwat Naen-0Udorn, 6-4, 2-6, 6-1, bago yumuko kay 13th seeded Isomura, 2-6, 3-6, habang olat agad sa opener si unseeded Suarez kay Thai wildcard Jakkapat Phanrassmeethong, 1-6, 5-7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?