227
Danilo Suarez
Jan 25, 2018 @ 9:50
By

Suarez kay Dominguez: Gumising ka natutulog ka pala

“It’s a nightmare? ‘Di gumising ka, natutulog ka pala.”

Ito ang naging komento ni Minority Leader Danilo Suarez patungkol sa agam-agam ni Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III at kartada na posibleng mauwi sa bangungot ang Pilipinas sa isinusulong na pederalismo.

Sa inaugural meeting ng Management Association of the Philippines nitong Martes, Enero 24, ngayong taon sa Taguig City inihayag ni Dominguez na malaking hamon ang pagbabago ng anyo ng gobyerno lalo na sa pagmamando ng pondo ng federal states.

“So there’s potential for it to become a nightmare. We are watching very closely particularly the revenue-sharing schemes that are going to be improved in the local government,” ayon kay Domiguez.

Tugon naman ni Rep. Suarez, trabaho talaga ni Domiguez na bantayan at pangasiwaan ang lahat ng usapin na may kinalaman sa pananalapi ng bansa.

“It’s the same…As a matter of fact ‘yung mga hindi nabibigyan magkakaroon ng chance ngayon na magkaroon (sa ilalim ng pederalismo). Kaya nga secretary of Finance ka…he (Dominguez) should look out,” reaksyon ni Suarez sa panayam ng Abante/Abante Tonite.

Si Buhay Rep. Lito Atienza naman ay naniniwala na dapat pakinggan at unawain ang mensahe na gustong iparating ng kalihim ng DOF.

Iginiit ni Atienza na hindi dapat niraratsada ang mga importanteng usapin na makakapekto sa buhay ng bawat isa.

“Let’s listen to him (Dominguez) kung sinabi nya ‘yun pakinggan natin sya. Kaya ayoko…ayoko ng railroading eh ayaw nila makinig… basta ipapasa na lang…huwag….makinig tayo sa ganyang klase ng opinyon lalo na sa mga miyembro ng Kongreso. Makinig naman kayo. Huwag ninyong pipigilan ang debate sapagkat kailangan nating pagdebatehan lahat ‘yan,” pagbibigay-diin ni Atienza. (Aries Cano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?