30

Aug 1, 2018 @ 19:28
By

Suarez group, nanindigang sila pa rin ang minorya sa Kamara

Kinontra ni Quezon Rep. Danilo Suarez ang pagkilala ng ilang kongresista kay ABS partylist Rep. Eugene De Vera bilang acting minority leader.


Nanindigan si Suarez na siya at kanyang mga kasamahan pa rin ang bumubuo sa minority bloc sa Kamara dahil hindi naman nabakante ang posisyon ng minority leadership.

Sagot ito ng kongresista sa paggiit ni dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas na si De Vera ang dapat tumayo bilang acting minority leader batay sa rule of succession makaraang ito lamang sa grupo ni Suarez ang hindi bumoto kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon pa kay Suarez, inalis na nila sa grupo si De Vera.

Aminado naman ang mambabatas na nasaktan siya sa pagtalikod sa kanila ng dating kasamahan, na hindi raw kumonsulta sa kanila.


“Well, masakit ‘yun, kasamahan namin e for so long tapos iniwanan kami. Wala naman kaming magagawa dun,” sabi ni Suarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?