Duterte
By

Style ng liderato ni Duterte tanggap na ng mga Pinoy

Sharing is caring!

Patunay ng mababang bilang ng mga naputukan nitong Bagong Taon na tanggap at niyakap na ng mga Pinoy ang ‘brand of discipline’ at estilo ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Ito ay ayon kay House Appropriations Committee chairman at Davao City Representative Karlo Alexei Nograles ay sumasalamin sa 68 porsiyentong pagbaba ng firecracker-related injuries ngayong 2018.

“It shows that, more than ever, Filipinos are now willing to follow directives that are for the greater good. This gives me great expectations and hope for our country and our people,” pahayag ni Nograles.

Malaking bagay ang Executive Order (EO) 28 (na nagrerenda sa paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic devices) na pinirmahan ni PDu30 noong Hunyo 2017, ayon sa Davao lawmaker kaya naman bumaba ng 68 porsiyento ang mga naputukan base sa ulat ng Department of Health (DOH).

“As we all know, tradition based on superstition is always hard to break. But Filipinos have now opened their minds to President Duterte’s style of leadership, which is tough but well-meaning. Firecrackers not only threaten to lessen one’s fingers, but they may also cause potentially deadly fires. That’s why regulating them is of utmost importance. The people of Davao has embraced this, and the rest of country has followed suit,” pagbibigay-diin ni Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?