436
ABANTE TNT senado vicente tito sotto
Jun 27, 2019 @ 14:36
By

Stupid daw! Comment ni Sotto sa pangingisda ng China sa ‘Pinas, kinuyog

Suportado ni Senate President Tito Sotto ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangisda ang China sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sa panayam sa ABS-CBN, sinabi ni Sotto na pabor din siya sa joint probe ng Pilipinas at China sa insidente sa Recto Bank.

Pero may komento ang senador na binatikos ng mga netizen at tinawag siyang “dumb”.

Aniya, mahirap umanong masabi na mayroong “exclusivity” kapag nasa ilalim ng dagat.

“It’s very difficult to say that there is exclusivity when it’s under water,” wika niya.

“The fish could be coming from China and the fish from the Philippines could be going to China,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?