97

Oct 17, 2021 @ 15:09
By

Stuntman sumablay sa pagsirko, kritikal

Kritikal ang lagay ng stuntman na si Jonathan Goodwin mula sa America’s Got Talent: Extreme, matapos sumablay sa kanyang exhibition kung saan naipit siya sa pagitan ng dalawang nagbanggaang kotse.

Ayon sa ulat ng The Sun, ang exhibition ni Goodwin ay parte ng kanyang rehearsal para sa AGT: Extreme.

Sa naturang exhibition, nakabitin sa ere si Goodwin habang sa magkabilang panig ay may dalawang kotse na nakasabit din sa ere.

Ang dapat mangyari ay kakalasin ni Goodwin ang tali sa kanya saka babagsak sa malambot na platform. Bago rin siya bumagsak ay magbabangaan ang dalawang kotse na nasa magkabilang gilid niya.

Ngunit tila nawala sa timing si Goodwin maging ang mga nagkalas ng tali ng dalawang kotse dahil imbis na makadaan muna ang stuntman bago magbangaan ang dalawang kotse ay nahuli ang biktima at na-sandwich sa pagitan ng nagsalpukang kotse, na may pagsabog pa pagkatapos.

Sa kabutihang palad ay nadala agad sa pagamutan si Goodwin ay nagpapagaling sa kanyang mga injury.

Iimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang sanhi ng pagsablay sa stunt. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?