abante-tnt-vismin-students-locker
By

Student’s locker inspection, pinalagan ng Teacher’s group

Sharing is caring!

Overkill.

Ito ang ginawang pagsasalarawan ng Alliance of Concern Teachers (ACT) sa plano ng PNP na magsagawa ng surprise inspection sa mga lockers at bags ng mga estudyante.

Ayon kay ACT President Benjamin Valbuena sumasailalim na sa drug testing ang mga high school students kayat maaring sobra na para sa kanila na inspeksiyonin pa ang kanilang mga bag at lalagyan ng gamit.

Dagdag pa ni Valbuena dagdag trabaho pa ang inspections sa mga guro, na aniya ay hindi na magkanda-ugaga sa dami ng kanilang mga trabaho, lalo na sa pagtuturo.

Giit nito dapat ang pagtuunan na lang ng pansin ng awtoridad ay ang pagpapalakas ng information at education campaign sa mga estudyante ukol sa masamang epekto ng droga.

Magagawa aniya ito sa pamamagitan ng diskusyon sa loob ng mga classrooms at values formation events.

Kapag natuloy ang balak ng PNP, ayon pa kay Valbuena, magmimistulang prison camp na ang mga eskuwelahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?