111

Nov 4, 2017 @ 15:31

‘Student-pusher’ ng ecstasy sa mga unibersidad, bantay-sarado ng PDEA

Bantay-sarado ngayon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga drug pusher na sinasabing nag-e-enroll sa mga kilalang unibersidad sa bansa para lamang makapagbenta ng ipinagbabawal na droga sa mga mag-aaral.

Sa impormasyon na nakarating kay PDEA Director, General Aaron Aquino, mas madali umanong makapagbenta ng droga ang mga drug pusher sa mga estudyante sa loob mismo ng mga paaralan kaya nag-e-enroll ang mga ito.

Ayon kay Aquino, mga guwapo o may itsurang lalake ang mga ‘drug courier’ na nag-e-enroll bilang estudyante para mas madali silang makapang-akit at makalapit sa mga kabataang mayayaman na kolehiyala at maging parokyano, maisama sa kanilang mga inookupahang condo at hotel at saka doon ay paiinumin ng ‘liquid ecstasy’ saka nte na huwag basta magtitiwala sa mga magpapakilala sa kanilang mga guwapong lalake o di kaya ay kilalanin muna nilang mabuti ang pagkatao nito bago sila magtiwala o makipagkaibigan.

Magugunita na ang condominium ni Thieke ay ginagamit nitong drug den at nagsisilbi ring laboratory niya sa paggawa ng capsulized at liquid ecstasy na isang party drug. (Dolly B. Cabreza/With trainee Bridgette Caminoc)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?