10

May 8, 2021 @ 15:03
By

Striktong protocol ipapatupad sa ensayo – Marcial

Nagbanta si PBA Commissioner Willie Marcial nitong Biyernes na magiging istrikto ang pagpapatupad nila ng safety protocols para sa lahat ng manlalaro at coaching staff sa oras na bumalik na ang pag-eensayo ng mga koponan.

Ayon kay Marcial, multang aabot sa P100,000 at suspension sa loob ng 10 araw ang kanilang ipapataw sa mga lalabag sa mga ipapatupad nilang protocol.

“Lalakihan natin ‘yan. Hindi lalayo diyan ‘yung penalties natin sa Clark na P100,000. Suspension for 10 days. Malaki ‘yan .. kasi gusto nga natin maging successful,” pahayag ni Marcial.

“Hindi naman para sa kanila lang ‘to. Para sa kapwa nila players, kapwa nila teammates, kasama sa team, pamilya nila, at sa pamilya din ng mga team members nila. Sana maintindihan nila,” dagdag pa ng commissioner.

Nitong Biyernes din ay inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang liga na muling magdaos ng ensayo basta’t ito’y gagawin sa mga lugar na nasa ilalim na ng GCQ o MGCQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?