5
strike-revilla
By

Isang hakbang para sa kapayapaan

Sharing is caring!

Bago nag-adjourn ang Kongreso noong katapusan ng Marso, kasama natin ang 60 iba pang mam­babatas sa pagpasa ng House Resolution 1803 na humihimok sa mu­ling pakikipag-usap sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Phi­lippines (CPP-NPA-NDFP) para muling subukang makipagkasundo tu­ngo sa kapayapaan.

Nagpasya nga kamakailan si Pangulong Duterte na muling buksan ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDFP, dahilan ng ating pasasalamat.

Malayo na ang nara­ting natin mula nang buksan ito noong 2016. Ang progreso ng peace talks ngayon ang pinakama­laking pag-usad sa usapan sa 25-taong kasaysayan nito, kung saan may nabuo nang draft ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms at Comprehensive Agreement on Political and Constitutional Reforms. Nakapanghihina­yang kung tuluyang mababalam ang usapang pangkapayapaan.

May ilang mga kondis­yon man ang Pangulo sa muling pagbubukas ng peace talks, gayundin naman ang mga rebelde. Sa panahong ito na mu­ling binibigyang buhay ang namatay nang usapan, kung kailangan mang manindigan sa kanya-kanyang prinsipyo, hindi naman tama na magmatigasan. Saksi ang kasaysa­yan na ang pagmamatigas ay wala namang magandang bunga na idinulot – at kung nagbunga man, ito ay kaguluhan at kamatayan.

Habang hindi talaga madali na matunton ang tinatawag na middle-ground dahil sa sad­yang pagkakaiba ng ideyolohiya ng mga panig, mas mapapadali ito sa pamamagitan ng mga confidence-building measure kung may good-faith ang lahat. Dito mahalaga ang suporta natin sa pagpaparating sa gobyerno at sa kaliwa na hangad na nating matapos ang deka-dekadang sigalot na ito.

Napakagandang umasa na sa panibagong development na ito ay nalalapit na tayo sa kapwa nating hangarin na matigil na ang bakbakan sa pagitan ng mga Filipin­o laban sa Filipino.

Kaakibat ng mga prog­ramang pangkapayapaan ng pamahalaan kaugnay ng mga kapa­tid na­ting Muslim sa Min­danao, kung lubusan na ngang mawawakasan ang armadong labanan­ ng gobyerno at CPP-NPA-NDFP, magkakaroon ng panibagong pag-asa sa bayan lalo na sa mga kanayunan. Ang pag-asang ito ay maghahatid ng pani­bagong sig­la na magbubunga naman nang pagsulong at pagbuti ng pamumuhay ng lahat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?