9

Feb 26, 2021 @ 13:04

Stray Kids member nag-sorry sa ‘pambu-bully’ niya dati

Matapos lumutang ang mga akusasyon ng pambu-bully niya sa eskuwela, humingi ng tawad si Stray Kids member Hwang Hyunjin sa mga dati niyang kaklase at sa mga fan.

“First, I sincerely apologize to those who were hurt by my inappropriate comments during my school days,” sey ng South Korean rapper sa isang handwritter letter sa Instagram, sa salin ng Allkpop.

“When I look back on myself and on my actions during a time when I was immature, I feel ashamed. I have no grounds for excuses.”

Na-realize niya na umano ngayon kung paano nakapanakit ang mga salita at kilos niya dati. Kahit sobrang late na ay gusto aniya niyang sinserong mag-reflect sa mga nagawa niya.

Nagpasalamat din si Hyunjin sa mga pumayag na mag-sorry siya personally.

“I know that just because I apologized and they accepted my apology, it does not mean that the scars that I created have disappeared; because of that, I am reflecting sincerely,” bigkas ni Hyunjin.

“Although I am in no position to, I would still like to thank those who gave me the opportunity to belatedly apologize in person, and also through this message, for my past mistakes. To those whom I was not able to meet in person with, but who nonetheless felt hurt by my inappropriate behaviors in the past, I offer my apologies through this letter.”

“Finally, I apologize for disappointing so many people who cheered me on and supported me,” wakas niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?