74

Nov 5, 2019 @ 18:44
By

‘Stranger Things’ cast nanood ng Pinoy horror movie

Kanya-kanyang reminisce ang mga Pilipino tungkol sa mga napanood nilang mga luma’t nakakatakot na Pinoy movies matapos mag-viral ang panonood ng cast ng Netflix’s “Stranger Things” ng Filipino ‘80s horror movie.

Makikita sa post ng Netflix ang mga reaksyon nina Millie Bobby Brown (Eleven), Noah Schnapp (Will), Finn Wolfhard (Mike), Gaten Matarazzo (Dustin), Caleb McLaughlin (Lucas) at Sadie Sink (Max) habang pinapanood ang “Aparador” episode ng “Regal Shocker: The Movie.”

Bida sa “Aparador” si Ruffa Gutierrez bilang si Elizabeth Sta. Maria na kakalipat lang sa apartment na may cabinet na haunted.


Panoorin ang reaksyon sa movie ng mga bida ng “Stranger Things”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?