54

By

Stranded sa bagyong Urduja, pumalo na sa 3K

Pumalo na sa mahigit 3,000 katao ang napeperwisyo ng bagyong Urduja kung saan naistranded ang mga ito sa mga pantalan sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Ayon sa pinakahuling ulat mula kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, sa Port of Looc, stranded ang 54 na pasahero, isang sasakyang-pandagat at 24 na rolling cargoes habang sa Port of San Isidro ay 52 na pasahero at siyam na rolling cargoes; sa Port of Jubusan naman ay 188 na pasahero at 13 rolling cargoes.

Sa Bicol Region naman, stranded sa Port of Virac ang may 326 na pasahero, isang vessel at 46 na rolling cargoes, habang sa Port of Masbate ay 10 pasahero, dalawang dosenang rolling cargoes, isang sasakyang-pandagat at dalawang motor bancas ang hindi pinabiyahe dahil sa sama ng panahon.

Pinakamarami ng naistranded ay sa Port of Matnog na may 2,149 na pasahero; 253 rolling cargoes at mahigit isang dosenang bangkang de-motor.

Sa kabuuang bilang ay papalo na sa 3,057 ang mga pasaherong stranded mula sa nabanggit na rehiyon gayundin ang 10 vessels, 331 rolling cargoes at 84 bangkang de-motor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?