48

By

Stranded na pasahero dahil kay Urduja, 17K na – Coast Guard

Umakyat na sa 16, 996 ang bilang ng mga pasaherong naistranded sa iba’t-ibang mga pantalan dahil sa epekto ng bagyong Urduja.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, kabilang sa mga istranded ay nasa pantalan sa National Capital Region, Eastern at Southern Visayas, Bicol at Southern Tagalog.

Malaking bilang ng mga istranded sa Port of Manila na may 4,027 na pasahero.

Pumangalawa ang Port of Matnog na may 3,600 sinundan ng Port of Batangas na may 1,858, Port of Roxas 1,452 at Port of Jubasan na may 1,272 Istranded na mga pasahero.

Samantala, Nasa 118 barko, 1,575 rolling Cargoes at 34 na mga motor bancas ang napigil sa iba’t-ibang mga pier. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?